Ang Korea ay nahahati sa dalawa: ang North Korea at ang South Korea. And dalawang estado ay nahahati dahil sa kaibahan ng idolohiya.
Ang North ay walang merkado, walang property rights, walang kalayaang sa pagsasalita, sa relihiyon, at hindi maaaring umalis. Ang lahat ng media tulad ng newspaper o telebisyon ay kontrolado ng kanilang estado. Ang North Korea ay itinatag ni Kim Il Sung, ang kanilang pinakamamahal na lider na siyang naipasa ang kanyang kapangyarihan sa kanyang anak na si Kim Jong Il. Maaaring mas kilala ninyo ang mas nahuli kong nabanggit. Grabe talaga ang propaganda na kanilang pinapakalat tunkol sa kapangyarihan ng mga diktador na ito at kung bakit dapat sila ay manatili sa kapangyarihan. Isa sa mga napaka nakapag bukas ng aking isipan tunkol sa kalagayan ng mga tao sa North Korea ay ang dokyumentaryong Welcome To North Korea:
Grabe talaga ang mga naging realisasyon ko sa dokyumentaryong iyan. Parang naisip ko na mas malaya pa pala tayo sa ating inaakala.
Ang South Korea naman ay may ekonomiyang kapiltalismo na siyang meron din tayo. Similar sa atin ngunit nagiging pagkakaiba lang ay kung gaano ka tindi ang impluwensya ng gobyerno sa merkado. Maraming iba't ibang klase ng kalayaan at ang isang klase ay ang pang-ekonomiya tulad ng pag tayo ng business at pangangalakal. Ang ilang nakaka impluwensya ng kalayaang pang ekonomiya ay ang buwis, mga regulasyon, mga restriksyon at prohibisyon, at madami pang iba. Para mas madaming impormasyon tunkol sa mga ito maari kayong pumunta sa aking isa pang blog na HarryLeaks na siyang naglalaman ng aking mga paniniwala ang advocacy tunkol sa libertarianism. Makikita din sa blog na iyan ang index of economic freedom na siyang magpapakita ng iba't ibang klase ng antas ng mga bansa sa kung gaano kalaya sa pang-ekonomiyang kalayaang ang kanilang mga mamamayan.
Kapag napanood niyo ang video sa taas ay makikita ninyo talaga ang pagkakaiba hindi lang sa idolohiya ngunit sa pamumuhay na din. Nakakapagtaka talaga kung gaano ka grabe ang kawalan ng kalayaan sa bayan ng North Korea. Ang ganitong klase ng idolohiya ay nagsimula sa mga sulatin ni Karl Marx tunkol sa sosyalismo at hindi nag tagal ay naging mas madahas ang kanilang rebolusyon tulad ng lenninismo na nangyari sa Soviet Russia noon. Ngunit nakita natin ang tuluyang pag collapse ng Soviet Russia ilang dekado lang ang nakalipas.
Maaaring yan din ang mangyari sa North Korea kung hindi nila ma maintain ang kanilang propaganda sa mga tao.
Dati sinubukan ng United States na makialam sa pamamagitan ng digmaan. Ngunit, tulad ng sa Vietnam, hindi nila napigilan ito. Hanggang ngayon may mga sundalo ng Estados Unidos sa border ng North at South Korea kung sakaling sumubok na umatake ang mga taga North Korea.